hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
High End Weekend plus kwento
Friday Night
-dinner at Seafood Island with Jayrald and Lendl. Boracay boodle meal! Boodle as in walang plates, nasa banana leaves lang, pero may utensils naman. Salamat kay Jayrald. :D Hindi talaga namin sinadya na payday mo that day. Woshuuu! Pero oo nga. :) Saya ng kain, kahit na inaway ni Jayrald yung mga waiter dun. At mukang hindi na siya makakabalik dun.
-movie, sa eastwood rin. Rush Hour3. Salamat ulit kay Jayrald.. :D Kasama na si meiling. Laugh trip sobra. At may nakabangga na naman si Jayrald. War freak. Hahahaha
Saturday
- Dinner at Rockwell.. pero sa Mcdo. Hahaha! Sinamahan ko si June, bibili siya ng post card ng Team Manila. Pero sad, hindi available sa rockwell. Naglibot na lang kami. May mga sale.. like yung mga 2k na blouse, 1 k na lang. Mura! Hahaha!
- Inom. Oo, kaming 2 lang. Sa may Maginhawa. Tamang inom, mura lang din kasi. 180, 8 na beers na plus nuts. Diba? Kaya ok talaga. Ang saya na hindi eee stuffs at eee people kasama. :D Kahit papano, break din sa thesis, kahit na wala akong karapatang mag-break.
Sunday
- Date with Reggy. Sa skype. Hehe.. Ok naman, real time. With cam and headset. Kulang na lang may meal din kami para magpanggap na date talaga. Pero mas ok kesa sa ym kasi may tono.. pag kinakanta niya yung theme song ng doraemon, nakikita ko rin siyang kumakain ng chocolates, ice cream, tim tam. Ingget.
Tas eh di kwento ng nangyari the past days... "anong ginawa niyo sa rockwell?" "kami ni june? sinamahan ko siya maghanap ng postcards." "babae o lalake ba si june?' "ano sa tingin mo?" "bading?" "hinde noh!" "tapos kayo lang?" "oo" "tapos diba uminom pa kayo" "oo, kami lang" "ayy.." "pano lung lalaki si june?" ... "buti na lang babae si june!" "nanghina ako dun ah"
hehe, nang-inis lang ako. Kasi hindi maalala mga friends ko..tsk. hehehe, pero di pa naman ata sila nagmeet. sakit ko rin ata yun.
tapos pagtingin ko sa friendster niya, may bagong comment: "May bago na siyang love..si mee goreng!"
Away na sana eh.. buti na lang, mee goreng pala ay noodles. hehehe.. :D
At sa susunod na linggo, kundi yakisoba, pancit canton na naman haharapin ko.. Sunday, August 12, 2007 at 11:12 PM