Buti na lang sakto lahat pinagdesisyunan ko ngayong araw na to.
Dahil wala si Lyand, kelangan ko mag MRT. Pede naman na mag gym na ako sa umaga pero naisip ko na hapon na lang. Maaga pa rin ako pumasok, mga 6 umalis na ako sa bahay. Inisip ko ring magbaon dahil marami namang natirang ulam mula sa berdey kahapon. Pero dahil pagsuot ko ng pants ko, hindi ko na nangailangan magbelt (meaning lumulusog ako sa di ko maintindihang dahilan) kaya naman di na ako nagbaon. Plano ko mag siopao siopao na naman sa mini stop.
Tapos nung nasa MRT na ako (ang dami nang tao kahit maaga pa!) naalala ko na may training pala ako. 8:15 ang sundo sa office papunta sa One World, sa Fort din yan pero sa kabilang dulo. Kung nag gym ako malamang 8:45 ako papasok. hahaha. At dahil training yun, may food! Lunch, am and pm snacks covered. Ahay, pano na naman ang diet ko.
Pero iniisip ko talaga bakit hindi ako pumapayat. Last week, mon-friday ako nag gym. Minimum na 30 mins ako nag treadmill, nag bike class pa ako mon and wed. Nagbadminton pa ako nung sabado. O diba kinakarir ko? hahaha. Pero bakit ganon? Well, bukod sa cookies, napapa fast food ako kapag nagrereview. At complete meal ang aking lunch parati, with dessert.
Monday, September 22, 2008 at 7:51 AM