hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Nung sabado
"Bakit umuwi ka na kagad kagabi?"
Sa kabila nang mga nagyaya sa padis , sa kabila nang may dala akong damit para magovernyt kina meiling, sa kabila nang ako a yung nagsabi noon na "labas naman tayo after sa saturday!".. eh umuwi na lang ako. Kaya naman marami ring nagulat at nagtaka. Nag-inarte na naman kasi si chanda. Eh kasi naman, nag-inarte rin ang araw ko kahapon. Kasi ba naman...
-late ako nagising. hindi tamang isang oras bago ang exam saka ka makakabangon. ayokong-ayoko na nagmamadali ako sa araw ng exam. pero medyo ok pa nun, kasi magdadala naman ako ng koche at kaya ko nang 15 minutes lang papuntang up *yabang*. pero nung paalis na ako, biglang sabi ng aking tatay na nde ko pwedeng gamitin yugn koche kasi may lakad sila. *napabuka ng bibig* "eh bakit hindi yung ____ gamitin niyo?" hindi daw pwede kasi baka magasgasan. pucha yan. grabe, nanghina ako dun at para bang gusto kong magawala at igiit na kelangan ko yung sasakyan sa araw na iyon dahil alumni homecoming pa sa gabi. pero malelate na ako kaya bigla na lang akong umalis. -at dahil bigla akong umalis, hindi ako nakahingi ng baon. naiiyak-iyak pa ako sa tricycle. at nung pagsakay ko ng taxi, mas napaiyak pa ako dahil mahal na nga pla taxi at mukang pera ko na mababawasan ko. buti naman at sakto akong duamting sa eee, namumugto nga lang mata ko. -dahil nde ako nagpraktis para sa 21, ang bagal ko nag-exam at may isang process pa akong nakalimutan. at pagdating naman sa 41, patawarin na talaga. aasa na lang ako sa partial points. -4 na natapos ang exam pero nagtagal pa ako kakakuha ng mga bayad ng tickets. sana lang nakita niyo ko kung gaano na ako kabangag sa mga panahong iyon. -pero, pumunta pa rin ako ng sm kasi kailangan kong bumili ng blazer. no, hindi ko lang kayang i-expose ang sexy kong braso sa mga orgmates ko. ewan, basta feeling ko nasa state sila (yung mga braso ko) ng pamamaga ngayon. ahahahaha! -mga 6:30 na ako nakabalik sa bahay at 7 yung umpisa. Ok lang, sanay naman ako ma-late. Pero todo natataranta na ako kasi magiging uber late ako kung saka-sakali. sabayan pa na natatranta na yung nanay ko at lahat na pinapakialaman kaya nagkakasigawan na kame. isa pang nakakairita pag-uwi ko nung makita kong andun lang rin yung koche. hindi rin ginamit ng tatay ko. hindi ko na rin gagamitin kasi papunta na nga rin si reggy para sunduin at ihatid sa jade valley. Nagdala rin ako ng damit kasi magoovernight na lang ako kay meiling dahil nga ala naman akong dalang koche. -nang medyo paalis na ako nang mapansin kong lumuwang ang sandals ko. like pakshet, napigtas. ang nakakainis dun, kasi nakita ko yun na pigtas pala pagkatapos kong ipagamit sa miss engg last time. ok lang, pinapatahi ko, pero ang ungas na gumawa ng sandals ko, hindi sinama yung straps sa pagkakatahi. waaahh!! gusto ko ulit magwala nung moment na yun kasi yung binili kong blazer, tinerno ko sa sandals. pakshet. nag black sandals na lang tuloy ako. -pagdating pa don ay walang humpay ng tickets, pera tickets.
ok naman yung event, dami rin alumni at ngayon ko lang nakita yung mga orgmates ko na muka ring tao. hindi sila nakapambahay in fairness, gaya nang araw-araw naming suot. hehehe. pero sobrang pagod talaga ako.kaya naman nang medyo patapos na eh feeling ko rin nauubos na energy ko. hindi na ako makangiti nang makangiti. hindi na ako nakikigulo sa mga picture picture. nag-uusap kami ni lendl na uwi na lang kami. mas masarap naman talagang magpahinga na lang sa sariling kama. pagkatapos nang mga puyatan sa linggo yun, nung sabado nang gabi na ang unang pagkakataon para makapagpahinga. Matagal ko ring piang-isipan kung san ako tutungo nun, kugn sasama ba ako sa padis, kung makikiovernight ba kina mei o kung uuwi na lang. Uwi na lang ako kaya susunduin rin ako ni reggy. Hindi ko naman yun masabi sa maraming tao kasi maraming papuntang fairview rin nun, at grabe naman kung magpapasabay pa ako ng ibang tao. Buti sana kung tatay ko yun, pwede. Hindi naman sa hindi pwede, pero nakakahiya rin. Kaya naman sa tuwing may nagtatanong sa akin nung pagkatapos na, paiba-iba na lang sinasabi ko. Hanggang sa bigla na lang ako nawala.
At yon ang nangyrai kya hindi ako sumama nung sabado. *bow*Monday, August 15, 2005 at 12:00 AM