hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
upadates.updates.
Buhay na ako ulit.
Isang linggo rin ata akong natulog lang ng natulog. Kaya naman hindi niyo rin ako natagpuan online. Tama nga, hindi mo mamalayan ang mga free days mo dahil mauubos ito sa mga oras na wala kang malay. Tsk.
Ano nga bang nangyari sa akin nung mga nakaraan?
-naadik sa cheese sticks. ahahahaha! ang sarap kaya nung feeling ng melted cheese sa bibig mo. Pero napatunayan ko rin na nde ko kaya yung 2 order, nauuta ako.(yung binibilhan ko pala ng cheese sticks eh yung sa central, ayos talaga doon. pati fishball nila masarap)
-commute ever. dahil sa tuwing hahawakan ko yung susi, sandamakmak na sinasabi ng nanay ko. "mag-unat-unat ka naman. maglakad ka para hindi lalong lumaki yang mga hita mo." nanay ko nga siyang talaga.
-masaya ang aug 18. hindi alam nglahat kung baket. wala akong pakialam sa inyo. ahahaha.
-bumili ako ng iPod mini!!! yehey sana.. pero hinde para s akain eh. bad trip. binili ko kasi yun yung price para sa raffle namen. 12,500 sa sm north, may free socks pa. lenchak na socks yun, nakita ko, 5 piraso dalawang libo. balot lang siya sa mini, maganda pa yung ginantsilyo ng lola mo. habang nagcacanvass, nasa isip ko "gusto rin!" pero sa dulo, naisip ko rin, hindi worth. wala namang fm yung ipod. kung bibili ako, yung may fm na, at yung mas mura sa iPod. hindi ko rin naman kelangan ng 4 gig. (actually, kinakalma ko lang sarili ko, wala kasi akong pambili..hehehe, joke)
-wala pa rin akong napapasukang 1st class.
-muntik na akong masagasaan. Sa tapat pa ng eee. Shet, una kong naisip, nakakhiya naman kung mababangga ako dito at isusugod sa ospital. Pero salamat na lang at nafold yung tsinelas ko kaya medyo bumagal ako maglakad, kundi, sapul ako sa taxi na yon. hindi na sana kayo nagbabasa ng blog ko ngayon kundi dumadalaw siguro sa akin sa ospital.
-hindi pa rin gumagana yung circuit namin sa 101! nakadalawang lab days na kami pero hindi pa rin nain natapos. mali talaga ang umpisa ng 101 eh. magkagroup pa kami ni katkat kaya "favorite group" na ang tawag sa amin ni doc R. Samahan pa ng palyadong breadboard at pagpapairal ng init ng ulo, wala na talaga kaming natapos. Sana bukas, na dalawang group na lang kaming gagawa, eh matapos na namin. nanghihina na ako sa tuwing nakikita ko circuit namen.
-hindi pala ako nakuntento sa buhay ko kaya sumali rin ako sa marketing congress na project ng engg student council. gash, parang ang dami ko talagang pahinga. pero gusto ko nung mga free tutorials, at syempre experience rin. Ka-group ko sina francis, joma, kiwe at patrick. hehehe, hindi ko talaga namalayan tong pangyayaring ito. hindi ko rin alam kung pano ko mapupuntahan yung series ng seminars na ito.
-nag-apply rin pala ako sa CEL (Communications Engineering Laboratory). Kelangan kasi sa amin, affiliated ka sa isang lab para sa thesis mo. Ayun, nagpasa pa lang ng form. At goodluck sa akin kasi minadali lang yon at goodluck rin sa mga grades ko sa 35, 23 at 25. Sana talaga makapasa ako.
-nanalangin ako ngayong pumasa sa 107 2nd exam this thursday.
at nabuhay ako ulit kasi kelangan na magpuyat para sa lab report na due bukas.
back to normal chanda :)Tuesday, August 23, 2005 at 8:45 PM
Anonymous said...
masarap talaga ang cheese sticks doon. ahahaha. suki na rin ako dun! papalakad pa nga lang ako papunta dun sa stall nila, nagpiprito na agad sila ng cheese sticks. nga pala, san ka bumili ng ipod? sa mismong apple store ba?
11:56 PM
hindi, wala kasing silver na 4 gig na rekwes nung nanalo. sa mismong apple, 12,900. Tapos sabi nung bababe, may 10% off sila sa 6 gig. la lang..hehehe. pero 12,500 na yung pinakamura sa buong cyberzone.
5:27 AM