hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Mga planong bigo
Lahat na lang ng plinano ko para sa linggong ito sumablay!
Sabi ko, papasukan ko na lahat ng 1st class ko. Nararamdaman ko kasi epekto nito kapag malapit na exams at matinding cramming gagawin ko dahil ni katiting wala akong alam sa mga topic. At least pag pumasok, magkaka-idea ka talaga. Pero anong nangyari chanda? Kahapon, di na ako nakapasok sa 21, 10:15 am yun. Buti na lang at wala ring class. Eh ngayon!?!? 8:45 yung class ko. Nagising ako ng 8 at alam kong nde na rin ako aabot so nahiga-higa na lang ako. At baka 2nd class ko eh nde ko na pasukan!
Sabi ko rin, pipigilan ko na ang patuloy na pamamanas ng katawan ko! ahahahaha! Ok naman yung simula kahapon, oatmeal ang almusal ko. Pero pagkatapos ng tapsilog na lunch, sandamakmak na chocnut, isaw at mountain dew sa meryenda at kfc prayd tsiken sa dinner, may epek pa ba yung oatmeal!?!? Puchak, kung kelan gusto mo magbawas ng kakainin, saka magsusulputan yung mga nakakatakam na pagkain.
AT yung babasahin ko para sa 107 eh nde ko pa nabubuklat. nabubuhat ko ko lang kasi dinadala ko pero nde ko pa nga alam ichura ng chapter 4. Goodluck na lang sa akin kasi mukang maaadik pa ako sa mga games kasi hiniram ko yung controler-usb ni reggy. Gusto ko ngang magdownload ng mario. Ahahahaha! Hangang dun lang ata talaga kaya ng mga daliri ko. Tanga talaga ako, nde ako makapaglaro ng GTA. Ewan, ayaw magcoordinate ng utak ko kamay ko. Kaya susubukan ko na lang ulit yugn mario. ahahahaha.
Haayy, kelan ko kaya masisimulan talaga plinaplano ko?Tuesday, August 16, 2005 at 9:04 AM
Anonymous said...
waaahhh!!! ang sarap nga. pero ang pagkain, dapat mas nacocontrol kesa pagjejebs. hehehe
8:03 AM