hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
nakaraang lingggo
im back!
Tama na pagtingin niyo dun sa pictures ni Cass at Chx. Magbasa na kayo ng mga nangyari sa buhay ko. Bakit ba? Blog ko to eh...
FEELING ko pasado ako sa 41!!!!! YEEEYYYY!!!!! Kahit feeling lang yun, amsa malaki yung chance, kahit sumablay ng konti, madaling mahabol yun kesa sa alam kong na-olats ako nung exam. Ang 4th long exam ng 41 ang "exam of our EEE life."Wala kasing finals yun kaya walang bawi-bawi. Kaya sobrang big deal talaga ng exam na to. Lalo na sa aming mga 02. Kasama kasi to sa retention, yung mga nakadalwang fail na, tapos bagsak pa sila sa 41, goodbye EEE na. Tapos ako naman, kahit hindi goodbye eee ang katapat kapag binagsak ko yun, eh baka humantong ako sa 7-years eee life. hanep diba?!? Magkalevel na kami ng mga inatermed pag nagkataon. At syempre, lalabas na run yung idea kung magshishift na lang ako. Pero yun, nalampasan na. *Hinga* *Hinga* Nakakatawa nga eh, 4th year na kami, dun pa lang namin na determine na pang EEE talaga kami samantalang batchmates namin gragraduate na.
Yes, nalampasan ko rin yung linggong yun. Actually, dapat maging ok yung linggong yun eh. EEE 41 lang naman ang nasa sched sa week na yun. Pero naging hectic dahil sa application ko CEL (Communications Engg Laboratory, dapat kasi affiliated kami sa isang lab sa EEE para sa aming thesis) at dahil sa kaungasan ko naman talaga. Una, yung akala kong Tuesday pa lang eh Wednesday na pala nung arawna yun kaya hindi man lang ako nakapag-update kung tuloy. Grabe diba!?!? Nawala ako sa araw. Nalaman ko nun na possible pa lang mangyari sa akin yun. Eh di yun, may 2nd chance, friday daw. Umaga ng friday, inaayos ko pa lang yung slides ko. Tapos, ichecheck ko sa phone ko kung 1 ba talaga yung reporting, baka kasi 2. Pagtingin ko, "reporting: 9-10 am" Ay putangina!!! (ganyan talaga na-feel ko nun) Kasi ba naman, 9:45 na yun!!! Hindi pa ako naliligo at malayo ang fairview sa UP. Nagmdali pa rin ako, upper body ko lang nasabon ko at feeling ko hindi ko nabanlawan mabuti ang buhok ko (yak no?). Tapos nag-taxi na ako. Mga 10:20 nasa CEL na ako naabutan ko pang nagrereport yung last. Whoo! Grabe, nakakahiya talaga na super late ako. Pero thankful ako na nakaabot ako at naka paginterview. Kasi pano yun, ang tanda ko na tapos wala pa rin akong lab!?! Wala lang, subrng ungas ko talaga. Dapat nagbabasa talaga akong mabuti ng mga announcements lalo na't wala akong friend na kasabay mag-apply. Friend, i mean yung magpapaalala sa akin ng mga oras ng dapat andun ako, etc, etc.
Tapos nung friday afternoon (mga 5 pm), nag-aaral kami ni Homer at Francis sa quite zone 3rd floor. Dapat mag seattles kami pero ayun, nakaktamad na ring umalis. Hanggang sa mapagdesisyunan na naming magovernight kami dun. As in doon, sa kahabaan ng mga lamesa. Ok ng ah, kasi mas nakapagbasa sila kaya marami akong napulot mula sa dalawa. Tapos nung naantok na ako, humiga na lang ako sa lamesa. Ahahaha!! Ang tindi ng ilaw feeling ko ako yung baboy na iniilawan sa mga palengke! Akala kiyo ba nakapag-hinder yun sa pagtulog ko? Hindee!! Naglagay na lang ako ng towel sa mata. Hehehehe. Well, worth naman pagovernight dun dahil sa feeling ko result ng 41.
At ang tagal ko ring nawala sa real world kaya naman paggising ko eh mga dyaryo hinarap ko. Naaliw lang ako sa main picture ng inquirer ngayong sunday.
Ang saya diba? La lang, ang ganda ng idea.
Haaayy.. tutulog lang muna ako magahapon. Saka ko na proproblemahin yung design problem sa 42, practicals sa 44, finals sa 43, at 4th long at finals sa 107. :)Sunday, October 09, 2005 at 10:43 AM