hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Pasasalamat
Unang-una salamat sa nanay ko, nagluto siya ng spag. Salamat rin sa ninang ko, kasi siya pala nag-grocery nun at binili niya ako ng pants. Hehehehe...
Salamat sa mga nagtext. Dahil sa inyo nagload ako, nahihiya naman kasi akong hindi magreply. Ahahahaha! Usually kasi diba hindi ako nagrereply? Diba katkat? Ayun, at dahil birthday ko naman, naisipan kong magpaka-nice.
Tapos, alam kong marami pa ring nagtext dun sa old number ko, salamat rin sa inyo. Pasensya na rin at hindi ko kayo nareply-an. Pasensya at hindi ko naipa-alam ang bago kong number. Pero alam ko naman tinext niyo pa rin ako eh. Salamat!
Salamat sa mga quesci peeps, hindi pa rin kayo nakakalimot. Yung iba pala, nakalimot na. Hehehehe.
Salamat sa mga ERG, na kahit hindi ako nagpapizza eh binati pa rin nila ako. Salamat sa mga bumati sa tambayan, salamat sa mga nagetext rin. Hehehe, ang saya talaga pag marami kang orgmates, maraming babati sa yo.
Salamat sa mga bumati sa akin online. Nag-online kasi ako ng umaga (as in mga 12:15 ng oct3). Gusto ko talaga magpabati. Hehehehe. Nawalan pa nga ako ng net card, salamat kay Edu at pinahiram niya ako ng blast niya, pwede pala sabay.
Salamat sa mga nakasama ko nung mismong araw ng birthday ko.
Salamat kay Sir Rivo at hindi niya ako pinayagang mag practicals dahil may no-make-up policy. Yun pa mandin ang pinunta ko lang sa EEE. Tsk, 10% kaya yun!!!
Salamat sa family ni Reg, binati nila akong lahat :)
Salamat sa mga nakasama kong magdinner, sina katkat, lei, meiling, lendl, geof, at r.a. Kahit hindi natin naubos yung spag at carbonara, inuwi naman ni geof yung spag eh. hahahaha!
Salamat kay katkat sa regalong niyang electrical earrings!!! Super saya kasi matagal ko na plinaplanong mag-ganon.
Salamat rin pala sa mga bumati sa fster, sa ym at sa mga late nang bumati. Kahit late, ok lang yun.
Tsaka syempre, sa nagluto ng carbonara, sa kasama ko nagsimba nung linggo, sa kasama ko nag late dinner nung oct 2, sa nagbigay ng huggable spongebob!!!, sa mas naghanda pa kesa sa akin para sa birthday ko, sa patuloy na nagpapasaya ng araw ko, sa nagtyatyaga..basta..dami pa. hehehehe. Salamat. :) Alam mo na gusto ko pang sabihin.
Kahit na sobrang nangyari sa akin ng taong ito, kahit na exactly opposite yung mga birthday ko ngayon at last year, masaya pa rin ako dahil andito pa ako. Andiyan pa rin family and friends ko. Dumami pa nga ung friends eh. Kahit na minsan malungkot talaga, pilit ko pa rin pinapalipas ang bawat araw dahil sa mga taong ito. Sana kasama ko pa rin sila sa susunod kong birthday.
_______ iniba ko pala time nito.. wala lang.. oct 5 ko na to ginawa. Sunday, October 02, 2005 at 9:32 AM