hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
long weekend
Buti naman at mayroon tayong "loooong weekend." Naisip ko na talagang magpapahinga ako ng Sabado. Meron pa rin namin kasi akong dalawang araw para gawin yung mga dapat kong gawin.
Pero ang Sabado, ay sinimulan ko sa paglalaba. Tsk. Ok lang sana, pero maarte ako sa paglalaba eh. Gusto ko maraming proseso kaya naman medyo tumagal rin ako. Buti na lang ako hindi ako na-late sa game nina Reg na piko..hehehe, joke. Basketball syempre. Parang 'CS Cup' (siguro nde CS cup yung tawag, inahalintulad ko lang sa engg cup na kung saan, departments ang naglalaban-laban) at sa Celebrity pa ginanap (sosyal CS). Yun, Math kalaban nila at sa buti na lang nanalo sila. Yey! Champions. :) At doon ko rin nalaman na ang hirap manood ng basketball game pag hindi ka pwedeng sumigaw. Actually, pwede, pero nahiya naman ako kasi ako lang sa side na yon at wala masyado sumisigaw kasi konti lang nanonood. Namaga na lang tuloy kamay ko kakapalakpak. Ahahahaha.
Nalulungkot talaga akong baka hindi ako makapaglaro sa Engg Week. Shet, isang taon kong inaabangan tapos ganon. Pero ako rin naman talaga may kasalanan. Well, sana talaga pwede pa. Hindi ko lang kayang manood habang nagkakasiyahan/nagkakainitan ang iba't ibang orgs sa engg.
Saan ba may Goodwill na wala sa loob ng malls? Bibili kasi ako ng libro sa 105 na sa Goodwill lang meron at maarte yung tatay ko. Ayaw niya sa malls, lalo na sa sm north.Sunday, November 27, 2005 at 11:19 AM