hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
rak at eee life
"Kamusstaaa YUU-PIIIIIIII!!!!"
Madalas ganyan yung sinasabi ng mga bandang nagpeperform sa pagtapak nila sa stage sa may grandstand. Walang puknat, UP fair na nga.
Ano?
UP Fair.
At kelan ako huling pumunta? Hmm.. nung second year ata. Oo, second year. Yun yung may naganap pa ata na stampede. Noon talaga, gustong gusto kong pumunta sa mga gigs. Alam ko yung mga bagong kanta at kakaiba talaga yung feeling kapag imaatend. Ewan kung sino ba yung kumupas, yung "rak" sa buhay ko o ako sa mundo ng "rak."
Eh kamusta naman ang "rak" scene? Nung lagi pa akong present, iyon talaga yung panahon ng sandwich, ng chicosci, ng greyhoundz, ng cheese at sige na nga, ng slapshock. Kahit hindi pogi yung mga myembro ng bandang yun, ewan, iba talaga karisma ng mga rakista. Kaya naman pag nilagay mo pa si Yael, Champ at Ruben, eh wala na. Kahit na monotonous na mga kanta, kahit na mababaw lyrics, titilian pa rin. Noon, lahat ng kasama mo sa gigs, ma-appreciate yung lahat ng bandang tutugtog sa gabing iyon. Sa ngayon, aasahan mo bang maaliw yung isang fan ng mymp pag tumugtog na ang cheese?
Hindi ko tuloy maiwasang maging nostalgic. Unang punta ko sa UP fair, kasama ko buddies (officer-mates sa CAT) ko. Ahahaha! Wala lang, natawa ako nung inalala ko pa yung mga porma nun. Tapos alas-kwatro ng umaga eh nagpasundo pa kami sa tatay ni andrea para dalhin kami sa bahay ni Joy.
graduation. wala na akong makitang ibang pic eh.
At nung nakaraan nga, umuwi si Joy from New Zealand. Siyaks. Sobrang kakamiss.. dami na ring pinagbago.
Gawa na lang ako ng ibang entry para dito.
At ito naman yung huling beses kong umattend ng album launch (1st album ng bamboo). Sa SM north pa. Actually, wala kaming kuha sa mismong scene. Sa mcdo yan.
Hula ko magcocomment ng matindi dito sa Princess. Ahahaha. Short hair!
At bakit nga ba ako hindi na nakaka-attend ng mga gigs? Bakit hindi ko na alam yung mga bagong kanta? Bakit wala kumupas na ang "rak" sa buhay ko? At hindi lang rak, bakit parang wala na akong social life? Bakit hindi ako nakakasama sa mga highschool batchmates ko?
It all boils down to my "EEE life."
Exam ba naman sa sabado ng week ng UP fair, at humahataw talaga sa taong ito, TATLO exam ko. At hindi lang yon. Exam sa bawat sabado. So kamusta naman ang tinaguriang "friday night" ko? Eh di walang humpay na pag-cra-cram (CRAMMING isa my life). Pero may Saturday night pa naman eh. Ay goodluck rin kung may lakas pa ako. Madali pa naman ako ma-stress pag acads ginagawa. So wala na akong chance na gumala, sumama sa mga party. Ay meron pala, monday night? At sinong lumalabas ng monday night?
Wohoooo!! Ang bitter ko.
At lahat tayo'y magdasal para sa nasalantang mga exams ko kahapon. Sunday, February 19, 2006 at 10:26 AM