hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
katabaan, sapatos, mcdo
Shet talaga. Matinding panlalait na natatanggap ko sa mga kapatid ko dahil sa paglapad ng aking katawan. Homagulay. Tapos pag tinitingnan ko nga sa salamin,oo nga noh! shet talaga. Nag-weight training na ako for 5 weeks. Lord, ano pa ba? Alam ko na sasabihin ni Lord: "bawasan mo kasi kain mo, wag ka mcdo ng mcdo, tantanan mo yung mga chichirya at tinapay, wag ka maya-maya kumakain, wag ka magbabad sa higaan..etc etc." Waaahh! Leche. Mag-gi-gym na talaga ako ulet. Wah! Kelangan ng cardio. Hayy..kelangan ko ng ksama. Geof, gym na tayo ulet! hahahaha! Nde ko na talaga alam. Ang layo kung sa ever pa. Meron sa may kanto lang pero sira pa ata treadmill nila. So sana ayos na yun para dun na ako. At sana may pera ako diba? At sana, may oras din ako diba? Ahahaha. Bumalik lang talaga sa dati ok na.. sobrang dami ko nang nde nasusuot na damit.
Kanina, galing kasi ako sa "meeting" (na mula pa kahapon at inabot ako hanggang kaninang 4pm). Buti na lang nagtext ako dahil nasa sm fairview daw sila. Umandar na naman kaartehan ng epal kong kapatid at nagpabili ng rubber shoes. Imagine, every year siyang bumibili ng rubber shoes! Buti sana kung mga tig-500 lang. Pasosyal pa ang lola at mga nike pinapabili. Pero kanina, dumating na yung moment na pinakahihintay ko, MAGKA-SIZE NA KAMI NG PAA! Ahahaha!Yes! Yun nga lang pink na skechers natripan niya ngayon. Pero kasya talaga sa akin.Di ko lang sure kung makakayanan kong suuotin. Bwahahaha! Eh parang ang kikay talaga.
Tapos, eh di syempre kakain na kami (hinding hindi ito pwedeng mawala sa lakad ng pamilya). Sinabi ko kagad, "Please lang, wag tayo mag Max's". Dahil purgang purga na ako dahil yun lang kinakainan namin lagi. Eh san na kami. Tapos biglang nagsabay kami ng nanay ko, "Mcdo!" Gusto ko kasi alam niyo namang nde pa ako nakakaget-over sa Turbo Treats. Feeling ko nun, gusto makatipid ng nanay ko sa pagpapakain kaya gusto niya mag-mcdo. Pero hindi pala. Pagpila pa lang namin,"Oi, gusto ko talaga ng mc float!. Orderan mo ko nun." Hahahaha! Takte,kaya pala excited. Ang weird. Nanay mo excited sa mcfloat. tapos eto pa, nagtalo pa sila sandali ng tatay ko kasi gusto rin ng tatay ko yun eh isa lang na-order.hahahaha!
Tapos kanina ko narelealize na iba yung appetite mo sa mcdo pag kasama mo yung family at iba pag kasama friends. Kanina, nde ako atat sa fries. Nde ko nga naubos yung akin, seryoso. Siguro kasi nakikita ko na nakalat pa yung ibang mga fries tapos walang kumakain. Tapos iba rin siguro pag nasa utak na "pag gutom pa ako, papa-order lang ako sa nanay ko." Hindi kagaya pag friends mo kasama mo, "Takte,last 100 ko na'to. Uutang na ako pag nde pa ako busog dito." Ahahahaha! Tas kanina rin nde ako nag ice-cream. Eh goodluck naman sa akin, lagi akong may sundae cone.
Anyway..ayon, tapos na rin ang unos (sana). Pahinga na ako... Baka umalis ako sa weekend. Sana, sana matuloy :) Thursday, June 01, 2006 at 9:56 PM