hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
The Big TWO-ONE
Expired na lisensya ko. Takte. Ang mali ko lang, nasabi ko sa nanay ko sa hindi talaga ako makakapagdrive kasi nde ako papayagan. Unlike kapag ako lang nakakaalam, pwede pa. Hahaha! Tatay ko nga 2 years na saka niya narealize na expired na lisensya niya eh.
Anyway, ano na ba nangyari sa akin. Last Sunday pala eh pumunta ako sa Bound Bookstore sa may Timog. Yes naman, pa bookstore-bookstore nalang ako. Hehehe, joke. Dun kasi yung part-time job ni Cesar (high school friend) kapag Sunday. Bale siya nagbabantay dun from 10m to 10pm. Eh may hinihiram siya sa akin, at dahil mabait ako, dinala ko dun. Matagal na rin kasi talaga nung huli kong makita yung mga high school friends ko. Pagdating pa namin dun eh sakto andun si Vanessa. Hehehe.. Tumambay din kami ni Reggy ng matagal-tagal dun. Wala, wala na naman kaming ginawa ni Vanessa kundi maghiritan. Sana nga magkita-kita na kami ng iba pang hs friends. Shet, 2 lakad na rin kasi yung namiss ko. Una, yung Cagayan trip last sem break then yung Bora naman nung summer. :( loser ako eh.. hehehe. Sana makasama ako kung meron man ngayon.
Hay, minsan nakakalungkot isiping matanda na ako. Hehehe, parang kelan lang nagpipiko pa kami nung 2nd year at ang hassle lang sa buhay ay ang araw-araw na presentation sa Filipino IV. Ngayon kung ano-ano na dapat isipin. Pero astig talaga daming naki-celebrate. May pizza pa. Tsktsk. Natupad na rin yung wish kong makakain ng cheesy volcano. Astig din may dalang baked macaroni si Reggy:) Salamat, hindi ko talaga inexpect na may ganun pa. Nakakhiya nga na medyo magulo. Sana medyo naayos ko or nakapagorder ako para nde hassle. Ayun, pero salamat talaga. Astig talaga ang ERG (with monde) hehehe.. Shet, parang hindi matino tong pagpapasalamat part ko. Pero yun, basta kung alam niyo lang kung pano naiba yung birthday ko dahil sa inyo. Da best talaga kayo guys :)
Wala bang pics? Penge, ipopost ko dito. Thursday, October 05, 2006 at 5:13 PM
Anonymous said...
uy chanda, belated happy birthday!
sorry di kita nabati (or nabati pero di ko na maalala).. pero alam ko na bday mo dahil naka-red ka pa nga eh. Pero hindi naman ako nakakain ng pizza, so quits na. hehe.
12:54 AM