hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
ma-route ang utot?
Dapat magbabasa/mag-aaral lang ako ng mga answered questions ng ME book. Pero yun, napa blog-hop na naman. hehehe, antok na ako at kung nasa bahay lang ako natulog na ako. Pero dahil nasa CEL ako at malamang pagtatawanan lang ako kung matutulog na ako ngayon, kaya pipilitin kong magising. Maganda rin naman para makapag-aral na ako ng ME.
Naisip ko kanina, wirdo nga ata talaga mga tao sa EEE. Unang-una, medyo geeky yung mga pinopost sa blog ng mga orgmates ko *ahem* wala akong binanggit na pangalan ah. Tapos kanina, kausap ko yung kagrupo ko sa 197 (mobot elective) habang papunta kami sa math kasi titingnan niya score niya sa 157:
Groupmate: Naisip ko lang, pwede kaya yung dighay, "ma-route" mo para maging utot. (ma-route pa talaga yung term) Chanda: Uh, pwede siguro, pero not immediately. (pinatulan ko rin yung idea niya noh?) Groupmate: Oo naman, like mga 5 mins.. Wala lang, wala ako magawa kagabi kaya naisip ko.
Nice diba? Ayos yung mga naiisip niya pag walang magawa. Pero kasi ako, nanchichismis talaga ako pag walang magawa. Tipong inaalam ko kung anong nangyayari sa buhay ni ganito. May mga nasusundan pa nga akong lovestory ng mga taong nde ko talaga kakilala. Ahahaha!Monday, October 09, 2006 at 11:25 PM