<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Mental disorder and sexual preference

Topic sa Tyra Bank’s kahapon yung mga kakaibang crimes at kung paano nalampasan ng mga family ng victims yung tragedy, na dinagdagan pa ng matinding media exposure.


Yung first story, sobrang tragic. Normal family sila, mag-asawa na may 4 na sunod-sunod na boys, 12 years old ata pinakamatanda, then 5th yung baby girl. Yung guy lang nagwowork, yung girl, sa bahay nagaasikaso ng 5 kids. Then isang araw na lang, tumawag yung girl sa asawa niya at pinapaauwi niya yung guy kasi may nangyari daw sa mga anak nila. Pagkauwi nung guy, patay na yung limang anak niya, nilunod ng asawa niya sa bathtub.


Yung next story, homosexual issue. Si Gwen (na Eddie dati), umattend lang ng party sa lugar nila. Yun yung first time niya mag cross dress talaga, then nung nasa party, nalaman nung 4 na guys na lalaki pala siya talaga. Binugbog si Gwen, super torture at nilunod sa ilog.


Parang mahirap paniwalaan yung mga ganitong pangyayari no? Pero nangyayari sila. At pwedeng mangyari yan sa ‘yo, sa akin, sa paligid natin.


Mental Disorder


Yung first case, I think, is a case of schizophrenia. Mental disorder na hindi mo madifferentiate kung ano yung real sa imagination mo lang. Kaya diba yung mga nasisiraan ng bait, madalas sinasabi na “may gusting umatake sa akin, may papatay sa akin.” Sobrang active ng utak. Yung mga normal peoplr, nakakaisip din naman ng mga outrageous events pero aware siya na “iniisip” niya lang yun. In the mother’s case, siguro nagka-emotional breakdown na siya. Imagine, taking care of 4 boys and 1 baby girl. Kasi sabi ng lahat ng friends nung babae, sobrang sweet naman nung girl and imposibleng kaya niyang maging marahas. Pero ang point nun, hindi nay un yung “normal” na takbo ng isip niya.

Wala pang natutukoy na exact na cause ng schizo, kahit nascan na yung brain at nakikitang may damages, hindi pa rin exactly matukoy kung anong specific part yung nakakapagdulot ng schizo. Proven na rin na malaking factor yung genes, meaning, kung may kadugo ka na nabaliw, mas malaki yung chances na magkaroon ka rin. Pero di naman ‘to tipong diabetis na automatic kang mahahawa. At sabi pa ng prof ko sa psych, 20’s to 40’s kadalasang lumalabas yung symptoms. At habang tumatanda, lumalala damages sa utak. At bihira lang yung todong gumagaling. Meron kasi na tipong emotional breakdown lang, at hindi pa considered na schizo. Peor yung schizo na talaga, forever na may treatment na kelangan. Yun eh para lang mapakalma yung patient at hindi na todo normal.

Kaya nga sabi ng prof ko sa Psych 101, you need to be the master of your life. Kaya tayo nag-aaral, para maging master, para makayanan nating ihandle lahat ng darating na stress. Yung stress eh hindi lang yugn stress ng exam, yung stress ng work, yung stress ng pera, pero yung stress ng real life. Tama nga naman, when we chose to be an engineer, kelangan nating mag-aral ng mga concepts, ng theories, ng computation. Hindi yun inaaral para may masagot ka sa exam, para makapasa, para grumaduate. Kelangan mo aralin dahil kapag andun ka na sa technical world na gusto mo at wala kang alam, everything will be chaotic. Walang order sa brain mo para macontain lahat ng information at ma-analyze lahat. Kasi kung hindi, you will not be capable of thinking in that field. Hmm, hindi ko alam kung naipaparating ko yung point ko ng maayos. Hehehe, pero astig lang isipin. J

Pero sad to say, minsan napupunta tayo sa “world” or situation na hindi natin inaasahan maging ganon, hindi natin napaghandaan. Masyadong biglaan siguro kaya there is no way to condition your mind towards the events. Kaya puro stress na, hanggang sa hindi na kaya. Kaya may nasisiraan ng bait, may nag-gi-give-up at nagpapakamatay.

Wala lang, feeling ko, lalo na ngayon na fast pace ang buhay, kelangan nating malaman ang mga bagay na ito. Para siguro makaiwas, para makatulong sa mga kaibigan, o simpleng maihanda natin ang ating mga utak sa mga stress na ni minsan hindi natin inakala.

Sexual Preference


Bakit laging special topic or title ang “homosexuality”? Bakit yun lang ang hinahanap ng sagot, bakit hindi inuusisa ng tao kung bakit mas marami ang heterosexuals at ano ang concept sa pagka-attract sa opposite sex?


Sa tingin ko, dinidikta yun ng lipunan natin ngayon. Sinasabi nila, kasalanan maging bading. Nge. Tapos dahil dun, may mga homophobic, at yung iba, hindi lang takot, galit na galit pa. Hindi kasi naiinfirm ng mabuti ang mga tao, eh kung isabaya kaya nila sa sex education kung pano rin ang sexual development.


After conception, yung human embryo, pare-pareho lang regardless kung magiging babae o lalaki. Yung primordial gonad (na present sa lahat ng embryo), by default magdedevelop into ovaries. Pero kapag nag-act yung SRY genes, dun lang madedevelop ang testis, na mad\gsesecrete ng testosterone na magiging estradiol na “magdedefeminize” sa brain. Na tipong yun na yung responsible sa mga masculine characteristics. Pero minsan, kahit XY yung chromosome ng isang embryo (meaning genetically male siya kasi XY, sa female XX), hindi sapat yung mga androgens para madefemize yung mga characteristic. Hindi niya mapreprevent yung default na development which is magdevelop ng breasts, female sex organs, etc. Ang point lang dito, may mga cases na genetically male, pero external features are female. And at the same time, may mga genetically female, na ang outside appearance eh male.

Oo, may ganoong cases. So masisi ba natin sila? Kunwari may pinanganak na walang limbs, mgagalit ka ba? “Kasalanan” nab a yun gaya ng kung pano i-treat yung mga tinatawag na 3rd sex? Hindi diba?

Sige, baka sabihin ng iba na wala naming problema sa sex chromosomes, kunwari male externals, at XY pa, pero same sex ang gusto. Nasa topic na tayo ng sexual preferences. May mga studies na nagsasabi na yung mga homo, mas naenjoy nila yung activities ng opposite sex nung bata pa sila. Kunwari, yung lalaki, mas nahilig siyang magbahay-bahayan kesa magbaril-barilan. Ang mga bagay na ito, lalo na nangyari nung wala pa silang concept ng sexuality, eh nakadepende sa temperament ng bawat tao. Temperament na mula pagkasilang mo, ganun na. Pano kung likas na ayaw ng isang bata sa magulo, madumi at maingay, so natural iwas siya sa mga larong kalsada. Ang makaksama niya yung mga batang naglalaro lang sa backyard, na nagkatong mga babae ang andun. Yung batang ayaw sa magulo, regardless na kung lalaki siya o babae, sasama siya sa mga mga nasa backyard lang. And that doesn’t make him gay kung lalaki siya. May sexual concept nab a yung mga 2year old kids? Wala pa diba? Ang point, yung mga bagay na natural na nagustuhan mo nung bata ka pa, may malaking factor sa mga preferences mo kapag fully developed ka na.

Maraming theories kung paano nagiging homo, pero isipin na lang natin, hindi nila pinili yun gaya ng hindi natin pagpili na magkagusto tayo sa opposite sex. Wala namang nagturo sa atin na gwapo si ganito, sexy si ganun, at nakakakilig kapag nakikita si ganito diba? Ganun din sila. Kapareho lang natin. Kung lahat lang may tamang knowledge about this, wala na sigurong homosexual crimes. Sama lang kasi makarinig na "pinatay siya kasi bading siya."


Tas sabi pa ng nanay ko, nakakaaliw nga eh, "gusto ko magka-anak ng bading, uso eh!"

____________

Astig talaga ng mga natutunan ko sa Psych 101. Dami matutunan kahit super stressful ng exams.

Labels: , ,

Sunday, June 17, 2007 at 2:09 PM
  Post a Comment »
 

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.