<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Places to visit in Sing

nasa mutiply ko na yung mga pics! :0
chandita.multiply.com


Sentosa Island



















Mas maganda talaga na one whole day pumunta dito. Lalo na kapag may kasama kayong kids. Sobrang daming pwedeng puntahan, may beaches, underwater world, rides, 4D max, etc. Or kahit simpleng lakad lang. Although may free buses na umiikot sa loob ng sentosa kaya wala kang problema sa pagikot-ikot. Mga 60 dollars each person, mapupuntahan mo na lahat dito. Isa-isahin ko lang yung mga napuntahan namin sa Sentosa.



Cable Car
















Syempre mas masaya kung dito kayo sasakay papunta (at pabalik na rin kasi 1dollar difference lang ang 1way sa 2way ticket). Pwede kasi train or bus din sakyan. Todohin niyo na at gawing glass ang inyong sasakyan para maraming view :) 14 dollars each ata sa two way na glass. Sa booth din ng bilihan ng tickets for cable car, may mga packages na pagpipilian para medyo makamura sa mga rides sa loob. Di lang namin yun in-avail kasi may mga ilan na nde naman namin gusto (like butterfly and insect park).


Nakakatakot yung unang labas niyo from the building. Pero ok na yung buong trip, hindi naman siya umaalog-alog.


Sky Tower






















Hindi naman nakakatakot. Wala lang, upo lang kayo, then aakyat. Picture-picture. Tapos bababa, walang kakaibang feeling. Pero syempre, maganda pa rin i-try :)



4d Magix
























4D kasi bukod sa 3D (may suot kayong glasses) eh mafi-feel niyo pa talaga yung scenes kasi gumagalaw galaw upuan. Meron pang lumalabas na tubig at medyo mababasa ka. At tekte, kunwari may mga crabs at spiders, may gagalaw-galaw sa ilalim ng upuan at sa may tenga mo. Shet, sensitive ako sa mga ganon kaya nagsisisgaw-sigaw talaga ako. Tawa nga ng tawa yung katabi ko sa kabilang side, hapon ata yun. Tas as in pinipikit ko mata ko kasi inaatake ako ng mga bees at bats! Hahha, saya. Sulit 'to, lalo na sa akin.




Dolphin show and Underwater World



















Mas ok na package ng dolphin show at Underwater world yung bilhin niyo. Although nasa magkabilang side sila, may free bus naman. At kung medyo hapon na (gaya nung sa amin), unahin niyo na yung dolphin kasi hanggang 9pm pa naman yung underwater world. Ang cute nung dolphins kasi pink, pero wala naman masyadong tricks na pinakita. Yung underwater world, hmm.. siguro sobrang ineexpect ko lang na maganda siya, pero ok lang, masaya rin. Kakatakot mga sharks! Tsaka malalaking spiders.



Luge and Sky Ride

































Ang Luge eh parang go-cart. Saya! Hehehe, bumibilis din kasi. Bad trip lang, medyo maikli yung track, kaya naman ang theme nila dun eh "once is never enough" . Yung kasama sa package namin (na binili na mismo sa loob ng sentosa) eh 2 luge and 2 sky rides. Masaya rin sky ride, pero di nakakatakot. Um, nakaktakot lang na malaglag yung cam mo at yung tsinelas. Hehehe, pero si Reggy ok lang naman, eh matatakutin yun eh.


Yung Night show

Na hindi namin napanood.. :( kasi wala nang tickets nung bibili kami. 7pm ata nagstart yun. Maganda daw kasi dahil parang lights, infrared show. Ayun. Sana mapanood niyo kapag pumunta kayo :)


Merlion and Esplanade





























Para lang makita at magpapicture! Hehehe, at masabing pumunta kayo ng Singapore. Mas ok na makita niyo siya ng umaga at gabi. Yung Esplanade pala, as in sa Durian naka-pattern. At ang Merlion eh walang historical background. Yun..








SNOW CITY












I







to ang the best! As in parang isang planta ng ice. Snow talaga! Ahaha. Para kaming ewan kasi wala naman kaming kasama na bata, pero enjoy ne enjoy kami. 14 dollars, for 1 session yun na 1 hour. Kasama na boots at jacket. Extra 2 dollars para sa gloves. Sulit talaga kasi may giant snow slide na sasakay ka sa mga black na parang salbabida. Eh sa hindi pa ako nakakita ng snow eh. At hindi pa ako naka-experience ng -5 degrees eh. Mas pinili namin to kesa sa Jurong Bird Park. Akalain niyo yun!



Singapore Zoo





















May package yung Sing Zoo, Jurong Bird Park at Night Safari na 40 dollars ata para sa 3 na. Tapos, lagi kasi kaming late nagsisimula mamasyal eh kaya pagdating namin sa zoo, 30 minutes na lang, 6pm kasi nagsasara. Suggested na whole day yung i-spend mo sa 3 lugar para manamnam mo talaga. As in fast walk to the max para lang makakita pa ng mga hayop. The best yung white tiger! Ang lalaki! Hehehe, tsaka mga kangaroos! pati mga chimps! As in ang lalapit lang at wala kang makikitang rehas na bakal unlike sa mga zoos na madalas nating nakikita. Sayang lang at di namin naabutan yung dolphin show. Eto na siguro yung pinaka pinanghinayangan ko sa trip na namen, yung penguin show.. :(



Night Safari


















May show muna, na 7:30 ata nagstart. Nakakatawa talaga kasi pang-stand-up commediane rin yung pinaka emcee. Tas astig kasi sa kung saan-saang part ng stadium nangggaling mga hayop. May time pa na napayuko kami kasi kala namin matatamaan na kami nung owl. Di lang makapagpicture ng mabuti dito kasi bawal flash sa camera. After ng show, pwede ka na sumakay ng tram ride na lilibot sa buong place. As in parang safari talaga, yung mga hayop, wala sa kulungan. Parang kunwari yung mga lions, ginawan din sila ng cave. Nakaktuwa! KAhit matanda na ako natuwa pa rin ako ah, pano na yung mga bata. Nakaktakot lang na baka mamaya may katabi ka na. Hehe, at eto talaga, walang pictures kasi madidilim at bawal flash.



DHL Hotair Balloon!









Newest attraction 'to sa city. 23 dollars isang sakay na 7-10 minutes. Mahal no? Buti na lang, naserach ko sa net, may isang Singapore Boat Tour kase, nakasama sa package nila yung Balloon. For 25 dollars, may 30 minutes na boat ride ka na (makikita merlion, esplanade, etc) tapos may hotair ka pa! Astig noh? :) Buti na lang nakita ko sa net yun. Astig din talaga 'to kasi 150m above the ground. Nakakalula medyo, si Reggy, nakahawak lang kamay niya sa rails. Hahaha! Sabi pa niya nung una "nakasakay na naman ako sa helicopter eh, kaya ko na yan!" Medyo mahirap pa saktuhan to kasi kapag lumakas hangin, walang flight. Ayun. Pero try niyo! Kelan pa ba kayo makaksakay ng hotair balloon? :)

















G-max






















Eto yung reverse bungee, pero sad to say, hindi kami sumakay kasi 40 dollars ba naman. Hehehe, sa susunod :) Sinulat ko lang dito para sa mga pupunta eh mapaghandaan niyo na.



Orchard Road.

Para sa mga shopping. Mura ng Giordano, o baka kasi sale season talaga ng buong singapore. Yung mga shirts, 300 na lang. Hindi lang simpleng shirt ah, yung mga may design. Pero kasi, wala rin sa budget ang pagshopping. Tas yung pabango, grabe! Super mura. Bumili ako ng cold ng benetton, mga 10 dollars lang. Original ah, sabi kasi nung tindera sa season na 'to, pine-phase out na lahat. Ayun, parang tyangge mga pabango. Tas dun din ako nakakita ng yung Guess bags nakatambak na parang mga Secosona sa gitna ng SM. Hahaha, kakaiba nga eh. Pero mahal din talaga yung iba.


Sige, yun lang muna, wala akong maisip na iba. Tsaka more than 1 hour na ako dito. Hahaha! Pakapalan ng muka. Mahal ng snapple eh. Bukas na ang pagtutuos sa EEE. Pray for me.

Labels: ,

Tuesday, June 12, 2007 at 8:16 PM
  Post a Comment »
 

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.