..para umalis yung eroplano ko (yes, may eroplano ako) dito sa changi.Nakakainis maghintay pero sa ngayon, mas nangingibabaw yung lungkot ko. :( Papunta na naman kasing Australia si Reggy.. Nung unang pag-alis naman niya kasi hindi ganun kalungkot. Pero ngayon, shet, kung pwede lang magiiyak-iyak ako dito. Hehehe.Pano ba naman kase, dapat, magdidinner pa kami together ngayon. Ang nasa plano, 5pm balik ng hotel, kunin gamit then punta na dito airport. 8pm pa kasi yung akala naming flight niya. Buti na lang, nung pagbalik ng hotel, nasabi ni Josine (kapatid ni Reggy) na "diba, 6 ang flight mo?" Tas pagka-check, 6:50! Eh 5:30 na nun, so todo ngarag. Yung mga pinamili earlier, eh nasa plastic pa. Buti na lang at naayos na rin namin yung bags namin bago umalis. Shet, sobrang stress talaga, buti na lang walang traffic. Naglabas pa nga siya ng gamit kanina kasi overweight yung check-in baggage niya. Buti na lang may bags siya sa loob ng maleta kaya nadagdagan na lang hand-carry. At ang nakakalungkot pa, hindi ako nakapag-babay.. awww, kakalungkot talaga. Pumili kasi kami ni Josine para sa GST refund (tax refund ng binili niyang cam). Tas pagbalik namin, pumasok na siya. Nakikita ko na lang siya na nasa kabila ng salamin. Hayy.. siguro yun talaga nakakalungkot.At ngayon, kelangan ko pang bumili ng lecheng Snapple na tig S$4 (120 pesos) para lang makapagnet at mabawas-bawasan ang oras. Yung mga free internet terminals kase, nasa loob mismo. Eh di naman ako sa loob nitong terminal 2 papasok kundi sa budget terminal, na malayo ata dito kase mag-bus pa ako. Hindi ko rin alam pano pagbaba ko sa Pilipinas. Hehe, unang beses ko lumabas ng bansa eh. Basta sabi ko lang sa nanay ko, 4am ako sunduin. Bahala na, at least nasa Pilipinas na yun. Concentrate na muna ako dito na makaalis ng Singapore. At para may magawa ako, magblog na rin ako ng mga ginawa namin. Para masaya :)Labels: Reggy, Singapore, trips
at 7:53 PM