hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Today
2 Years na kame!!! :)
At dahil mahal ang freight charges, ipapa-airmal ko lang yung drawing pad na gift ko. Then kelangan ko pa matyempuhan na andun na siya sa bahay nila, kundi sayang naman.
2 years, pero parang ang tagal na. We've been through a lot. Nung una sa Isabela lang niya kelangan mag-work, nasa Luzon pa yun. Then ngayon, ibang isla na, uh ibang bansa pa actually. Pero tuloy pa rin. :) syempre.
Buti napagtiisan niya ko noh? Hehe, at dahil parang "new year" eh may new year's resolution ako:
Mabilis na ako magdedecide. Kung saan kakain, kung ano order, kung ano ba talaga gagawin ko, kung anong bibilhin ko, etc.
Hindi na ako madalas "maha-high blood." Pipigilan kong maimbyerna at magtaas ng boses. hehe, pero minsan hindi naman talaga ako galit. :D
Oorder na rin ako kapag gusto ko talaga. Hindi yung tipong ayaw ko pa kunwari umorder ng fries pero uubusin ko naman yung sa iyo. hehe
Hahabaan ko na yung time limit na maiinis ako kapag hindi ka nagreply kagad. (Syempre long distance text na, may excuse, fine)
Mag-aaral ako magluto ng kare-kare at ng spaghetti ni mama (hmm, sana hindi na madagdagan yung ultimate fave foods mo)
Gra-graduate na ako. Hahaha, kasama pa rin dito yun.
Hindi na kita bibigyan ng "menu plan" na puro non-fat milk at apple lang pede kainin. hehehe. very outrageous. :)
Hindi na ko matatawa kapag maghahanap tayo ng pokemon CDs. tsaka Doraemon, tsaka simpsons, tsaka family guy, tsaka... marami pa.
Hindi na ako magbabasa ng inbox mo! hahaha! para hindi ko malaman yung mga surprises na para sa akin. :p
Hindi na ako maiinis kung naglalaro ka lagi ng PS2, o kahit anong game... hmmm, minsan lang naman diba? :)
Hmm, yun na lang muna. La ako maisip..hehehe, feeling ko mabaet naman ako eh. diba? diba? Pag di ka sumang-ayos, maiinis ako, hehe, joke. :D
Happy ulit :)
********* Parang ang dumi ng drawing ko. First attempt na magdrawing after several years. At first attempt na magwater color.Tuesday, July 17, 2007 at 10:13 PM