Para may panahong matulog at gumawa ng mga bagay na dapat gawin.
Weird noh? Kaya ka puyat the whole week kasi dami mo ginagawa. So sana Sunday talaga yung day para bumawi ka. Pero hindi pa rin, ang dami pa ring naka-tambak na gagawin. Gusto ko nang matapos to! Takte, pero wala pa ngang halfway eh. -_-
Nung Sabado eh ang aking "gimik" day. Define gimik. Pagtapak sa SM. Hahaha. Loser ng buhay. Pero kasi magdi-dinner kami ng mga high school friends ko sa Trinoma. Eh si Katkat, punta na ng Sm nga mga 3. Eh nakakatamad na rin naman sa lab, at para makita ko rin sina Lei at Marjo kaya sumabay na ako. Grabe, may fiesta ata sa SM, ang daming tao. o hindi na ako sanay makakita ng tao. Hehehe. Naghanap si Marjo ng shoes, pero ginulo ko siya nang sabihin kong ang mura ng nike shoes sa Market Market at sa Tutuban. Nagkataon din na nasalubong namen si Jayrald. Ooops.. may sobrang nakakhiya pa akong naibulalas sa gitna ng SM. Eh kasi, parang iba na yung porma ni Jayrald, nde na yung tipong kung ano-anong t-shirt lang jan at pants na malalaki. Basta nasa medium-size na yung shirt niya tas nakashorts na hindi malaki. so parang wow diba. Tas sinabi ko kagad, "Uy jayrald! nag-iba na package mo!" Tas sila, napanganga, ang bastos pala nun. Aba, eh diba package, yung as a whole, kung pano niya prinepresent darili niya, yun ang ibig kong sabiin. Apparently, bastos nga pala yung "package." Hehe.. problema na lang ng mga nakarinig.
Tapos kumain kami sa Burger King, na kakaiba na rin ang "package". basta, ang hip! Pwede mag charge gn phone, may wifi.Iniisip ko kung kakain ako, kasi mga 5 na nun, ang magdidinner din kami nina Rovina later that day, Pero nagutom ako kaya nagwhopper na rin ako. Free sundae pa. Hehehe.
Nakakatawa kasi pinaguusapan yung mga mga katrabaho nina Marjo at Lei. Tas laging kapag lalake, ang main issue, kung "stable" ba o hinde. Eh di yung isa daw gwapo, medyo matanda na kasi manager na. Pero yung laging i-po-point out, stable na! Tas yung isang bata, top 6 ng ECE board exam, eh di naks, magiging stable! Wala lang, kasi unlike yung mga crush crsuh lang nung hs, na tipong, uy ang cute, uy ang neat, uy ang sweet, etc, sa edad namin, hindi na ganun yung mga main attributed na kinoconsider. Wala lang.. we're getting old.
At syempre, yun din ang topic namin ng mga hs friends ko. 6, or 6:30, papunta na ako Trinoma. Yung order ng pagdating namen dun eh kagaya pa rin ng dati. Si Ana maaga, then si Rovina ang pinaka-late. O diba? Lahat halos nagwowork na, except, ehem, syempre ako. Then si Ana na nag-me-med (pero nagpapatawid pa rin siya sa mga classmates niya kasi di siya marunong), at si Cesar na nagtetake ng mga Organic Chem, etc this sem, in preparation for NMAT. Pero sila, naka-isang degree na. Ako, gash. Si sunshine eh mgtratrabaho na sa opisina, yey! Si vanessa, lumipat na ng work.
Kumain kami sa Super Bowl, grabe, puno lahat sa part na yun ng Trinoma. At habang kumakain, walang humpay na okrayan pa rin. Alam mo yun, nakaktuwa na never nawala na naguungasan kami. tas si Vanessa pa rin yung laging napagiinitan. Hehehe, hindi daw kasi bading si Piolo. Wow. Pero marami na rin naman kaming mature stuffs na Like, um, ano ba. Hahaha, sabay ganon.
Kasi parang ang bata pa rin ng group relative sa ibang ka-age namen. Like si Ana nagkwekwento, tinatanong kasi siya ng mga classmates niya ngayon sa med school kung bakit hindi siya umiinom. Sabi niya, "eh sa hindi eh, hindi rin naman umiinom mga friends ko." Muntik na ako masamid, grabe. Sabi ko nga, dapat gawin na ng grupo namen yun eh. Hehe, pinaplano ko na kung kelan.
Tapos meron na palang challenge sa barkada. Last woman standing. Kung sinong last na single eh reregaluhan ng lahat. Hanep yan. Hahaha, so automatic talo na ako. ::)
At sa wednesday, 2 years na kame! yey! Pero wala lang.. super hectic ng linggong 'to. Nasa rig din siya kaya nde ako nagsend ng card. Mas mahalaga pa rin sa anniversary yugn thought na kayo pa rin after another year. Yung celebration, pampadagdag lang. :)
So umabot na ng Monday ang post na 'to. Back to routine na naman. 'Til next post.
Monday, July 16, 2007 at 8:51 AM