Kahapon ng hapon, bigla sumama pakiramdam ko. Akala ko nung una tinodo na naman aircon kaya ginaw na ginaw ako. Pero nung nakita kong nde naman naka jacket katabi ko, aba eh nilalagnat na ata ako. Hahaha.
Tuloy-tuloy din kasi ginawa ko nun. Hindi ako sanay? Hahaha. Nung nakaraan kasi e wala naman pressure yung ginagawa ko. Sabay alas singko may pinapahanap pa sa akin. Nakakastress ata na uwian na tapos may papagawa pa noh. Ginaw na ginaw ako habang gumagawa. Uminom ako kape at biogesic. Pero ok lang, nahanap ko naman, at sakto napatagal din meeting ng sasabayan ko kaya nakaabot pa ako.
Nung nasa elevator na ako feeling ko talaga nag chi-chill na ako eh. Lalo na nung pagsakay ko sa sasakyan tapos aircon. Naisip ko magpa ospital na. Nangyari na rin sa akin yun before eh, then dinala din ako sa ospital. Pero wala naman nakitang kakaiba. Anyway, bukod sa nakakahiya naman sa sinasabayan ko, naisip ko rin na hindi ko dala yung medicard ko!! Asus. Ayoko magbayad. Hahaha, kuripot sa sarili. Sayang, active pa din kais yung medicard ko na galing sa company ng tatay ko, at syempre yung akin mismo, pero pareho ko silang hindi dala. Kaya naman sinabi ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng tuluyang magchill.
Hindi ko alam pano ko nagawa. Pero hindi na nga ako nagchill pero hinang hina ako. Siguro sa pakikipaglaban sa lamig. Hahaha. Buti hinatid ako ng officemate ko hanggang dito sa bahay. Kaya naman alas otso eh tulog na ako.
Kainis kala ko naman makakagala ako kagabi kasi la naman pasok ngayon. Anong point ng post ko? Hmm.. dalhin lagi medicard mo, you'll never know. at kaya mo labanan yung mga lagnat lagnat na yan.. lalo pag ayaw mo magbayad. Hehehe
Wednesday, October 01, 2008 at 7:33 AM