hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Nalalaman kong bangag ako kapag:
** isa sa mga nakasulat sa post-it notes ko dito sa PC ay: "Mag-gupit ng kuko sa paa." How sosyal ng reminder sa paggupit ng kuko. Narerealize ko na lang kasi na medyo mahaba na pala kuko sa paa kapag paalis na ako eh. ** bumaba ako sa jeep. tapos veterans pa lang pala yun!!! eh dapat sa may mindanao pa ako bababa. wala naman akong choice kasi nakababa na ako. so nilakad ko na lang.. grabe, ang layo din nun. ** natanggal na pala ang tsinelas ko mula sa mga paa ko pero nakadalawang hakbang na muna ako bago ko na realize. ** dalawang beses akong dumaan sa 7-11 para bumili ng boy bawang. takte masarap naman yung chili cheese ah. ** hindi ko mawari kanina kung yung pantalon ko ba o yung upuan sa jeep ang may problema. parang walang "grip" yung pwet ko sa upuan. Hassle buong byahe. ** humihina na radar ko sa chismax. tsk. ** napahigh-blood ko si Amos kanina sa YM. Tinatanong ko lang naman kung nasa eee na siya bukas ng 7:30 am. At ang reply niya : 730?!?!?! gigising pa lang ako siguro nun... bakit?grabe, i can imagine kung pano ang reaction ng muka niya habang tinatype yun. Ahahaha. Peace tayo amos.Tuesday, November 29, 2005 at 11:18 PM