hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
moment na nakakawindang kasi hindi mo na alam gagawin mo---moment na masaya kasi nagawan mo ng paraan yung problema---moment na nakakalungkot ulit kasi wala pa lang naging silbi yung ginawa---kaya moment na naman yun na nakakawindang.
cycle.
nasa jeep ako kanina at medyo masikip pa yun nang biglang nag-hit sa akin na nov 30 na. At meron pala deadline yung script para sa smokers. Sa Friday na rin pala yun. At ngayon nga ay nagiisip ako ng mga pwedeng ilagay. Feeling ko nakakatawa. pero kasi diba, malay natin kung iba yung nakakatawa sa ibang tao. anyway.. gagawin ko na rin. kung ayaw nila, gumawa sila. diba? :)
so hindi na ako magaaral for physics. 3 na lang ako sa quiz bukas, for attendance.
shit, ngayon ko lang na realize na meron pala talaga akong habit na hindi magreply. Bukod sa text, sa mails din pala. ngayon ko lang na-realize na marami na nagreply sa mails ko sa egrps at wala akong nireply-an kahit na isa. wala naman kasi ako important na sasabihin, pero feeling ko ngayon dapat nagrereply pa rin ako.
at pagktapos ng maghapong paghahanap ng converter from doc to pdf, nakahanap na rin ako ng ok. primo pdf. yung acrobat distiller 4.0 kasi na nahiram ko kay reggy nde ko mapagana. at isang oras ko rin palang na-dl yung primo.
antok na antok na ako. pagod na pagod. miss ko nang matulog ng 7pm. miss ko nang matulog ng 9pm. miss ko nang matulog ng 12. haayy..miss ko na matulog kung kelan ko gusto. Thursday, December 01, 2005 at 1:01 AM