hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
weird
kanina nasa fx ako papasok ng UP, tas nakaupo ako sa middle part. Yung nasa front, isang babae at tas isang lalake na parang galing sa operation. Basta, ang daming mga itim-itim sa leeg niya, naka-bandage yung isang kamay niya pati isang paa (nakita ko sa reflection sa mirror). Pero ok na naman siya, nagsasalita, kausap yung katabi niya. Hanggang sa may tiningnan silang isang form. Pagkatingin ko pa lang sa form, napansin ko kagad yung pirma na andun. kamuka ng sa tatay ko. Kakaiba kasi yung pirma ng tatay ko, hindi mo mababsa yung 'espineda' tas parang ang daming curve strokes na effect. at pupusta ako, ang hirap nun ma-forge. sinubukan ko na dati eh, hahaha! (buti na lang madali lang pirma ng nanay ko). Anyway, tinitigan ko mabuti, kamuka talaga. Tas pinipilit ko basahin kung ano yung nakatype dun sa may gilid. Wala, hindi kinaya ng salamin ko. Buti na lang malaki yung title nung sa papel, "Meralco Sick Report." So yun, sure nga na pirma yun ng tatay ko.
Well, hindi naman siguro yung tatay ko yung naka-aksidente sa kanya, kung naaksidente man siya. Tsaka kung walang meralco siguro dun sa papel possible pang ganon. Baka employee yung lalake dun sa branch kung nasan ngayon yung tatay ko tas pupunta siya sa main office ng meralco (sa ortigas) dahil andun yung hospital ng meralco.
Wala lang, kakaiba lang nakita ko pirma niya habang nasa fx ako.Tuesday, June 26, 2007 at 10:40 AM