hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Walang nangyayari
Sa buhay ko. Dapat nagsosolder ako ngayon pero nakakatamad pa. Hehehe, sorry katkat :) Nagugutom na ako, sana matuloy na mag something fishy kami. Super excited ako lagi dun, ewan ba. Hindi ko alam kung anong nangunguna, yung kagustuhan kong maka-isa dahil 100 lang ibabayad ko, o sadyang katakawan ko lang.
Speaking of katakawan, tumatakaw na ulit ako. Oo, ulit, kasi may panahon dati na ayoko ng may lasang pagkain. hahaha, ultimo shake, nde ko papalagyan ng syrup o sugar. Anong lasa? Subukan niyo. Pero seryoso, hindi na nga ako nagjo-jog, parati pa akong nagma-mcdo. Hindi ako nagpapansin sa pagrarant ng mga bagay na 'to. Nakakapanghinayang lang na mapunta sa wala ulit yung pinaghirapan ko. Naks naman, kala mo seryoso. Pero more than one month na nga stagnant yung weight ko. Syempre, alam naman nating lahat kung kelan nagstart :) Hi beh! :)
So kelangan ko sigurong i-recap yung mga pinaggagawa ko at pinagkakain ko nung summer, para rin maalala ko at magawa ulit. This weekend, gagawa ako ng post tungkol dun. Hehehe, tsaka para masagot na rin lahat ng nagtanong sa akin ng "anong ginawa mo?"Saturday, June 30, 2007 at 2:18 AM