Grad Party last tuesday. Yung unang hindi ko planong pumunta turned out na mukang hype na hype ako sa event. ahahaha! yun na ata trend ko ngayong summer, hindi pupunta but in the end sasama rin. Pero wala pa naman akong pinagsisihan, ang saya nga eh! :)
Sa Absinth Bar sa Greenbelt ginanap, wala na rin dapat bayaran kasi kasama na sa yearbook package. Late kami (ako, geof, lyand at monde) dumating dahil ang tagal ni Geof. Pero ok lang pala kasi wala pa rin naman nangyayari. Disappointed pa nga kami nung una kasi parang overdressed kami. Hahaha! Hindi naman talaga over, nakisabay lang kami sa theme, pasaway lang talaga yung iba. Eh kasi naman, ang tagal namin ni Katkat naglibot para lang sa dress namin para sa gabing yun tapos pwede palang ganun lang suot. So bumawi na lang sa mga pictures, na nakay Monde. At si monde ay nasa Hongkong na. Takte Monde! Pagbalik mo pa namin makikita????? Upload mo jan! hehehehe
At hindi ko na lang namalayan, ang saya saya na naming lahat. ahahaha. saya-saya=lasing. ang hirap ikwento. nung una, nakikiaasikaso pa ako sa mga nalasing. pero dahil nga ata sa ginawa kong juice ang vodka punch at ilang red horse at strong ice din (hindi uso sa akin light eh), nahihilo na rin ako. Good thing na hindi ako yung tipong sumasayaw kapa nasa ganong state na (um, lei, marjo, kamusta? ay.. si ra din pala!). Upo lang ako tas pikit.
May time pa pagmulat ko, may ilang guard at wheelchair. Nasa isip ko talaga, may naaksidente, sunog? kelangan ko na ba tumakbo? Yun pala, meron nang girl na hindi na makalakad kaya isasakay na lang sa wheel chair. Cool. Hahaha, di kasi ako sanay sa ganon, wala namang wheelchair sa mga lugar na iniinuman ko.
Ayun, masaya. Lalo na ngayong matino na kami at pinaguusapan yung mga nangyari. Pero sabi nila muka pa rin akong lasing. Stress lang 'to people. Try niyo rin mag 9 units ngayong summer, tas party party pa kayo. :) Or coffee coffee hangang mga ala una..
At ngayong sabado, mindoro naman with cel? Hindi ko pa sure.. nakakapagod at nakakaubos ng pera.
Excited na akong matapos ang summer classeeessssssssssssss!!!!!